Sunday, April 19, 2009




kakatawa talaga tong si madam auring anu? may pwesto sya dito samin banda sa ever commonwelth sa ground floor sa sulok eh diba sikat naman sya bakit di na lang sya kumuha ng maganda gandang pwesto? may mga binibenta pa syang mga lucky charm na murang mura lang wow di ako makapaniwala na mag bebenta sya ng pang pa swerte sa halagang 150pesos diko tuloy alam kung maaawa ako o matatawa sa kanya saka bakit may the original madam auring pa sya sa tarpaulin bakit may gumagaya paba sa kanya? kung kay nora maniniwala pako pero kung sa kanya may nag eempersonate sira ulo na lang siguro yun hahahahhaah

Thursday, October 16, 2008

ang natauhan sa ilusyon

wow ang sakit ng ulo ko putcha ikaw ba naman ang maka ubos ng 2 case ng redhorse na grande at sisig na pulutan actually 3 lang kami ng inuman ng tropa ko nung time na nawiwindang ako sa problemang puso hayzzz.... talagang bigo ewan ko ba talagang masalimuot ang pakiramdam ko siguro dahil sa sabik ako ulit n mag mahal hayyyzzz....

eto nag sentisentihan ako sa youtube at imeem ng mga kantang pang bigo like kahit sandali by.jennylyn mercado at hindi na bale by.jessa zaragoza and bakit nga mahal kita by. roselle nava samahan mo pa ng tissue paper habang lumuluha ka

wow!!! hanep sa sound trip!!! diba jologs na jologs? waahahahahah pero mas gugustuhin ko pang maging ganito para ma feel ko ang kabiguan sa pag ibig pag, ibig na ilusyon ok lang yun para naman kahit papano may maisulat ako sa blog ko hindi yung gagawa ako ng kwento na hindi ko naman talaga naranasan
sa ngayon eto nakaka recover nako sa pangyayari at narealize na dapat magising sa katotohanan at ang realidad ng buhay na isa kang malaking tanga!!!! gising kaibigan gising!!
ang lesson dito is wag ng magpaka tanga kaya nga tayo binigyan ng diyos ng utak para mag isip dapat balansehin ang mga bagay bagay

Wednesday, October 15, 2008

DISKRIMINASYON

nalulungkot ako ngayon bad trip ang pakiramdam, eto ba ang feeling ng umaasa ka sa wala? yung akala mo meron pero wala naman pala? why?? bakit ko to nararamdaman dahil ba sa nangungulila ako sa pagmamahal?

ang sakit ng feeling ko ewan ko kung tama ba to oh talagang tanga lang ako?
dapat ba na hayaan ko lang ito at bukas mawawala na ang sakit ng puso ko? nag lasing at nag paka lango sa alak yun ba ang solusyon?
putcha!! nagastos ko ang pambayad sa tubig bahala na kung mapuputulan ang mahalaga makalimot?

nakakalimot nga ba? pero still nasa puso ko parin sya di sya mawaglit sa isipan
ko masakit? oo pero dapat nag siguro na tapusin na itong kagaguhan ko mag dasal daw ako para mawala kulang lang ba sa paligo at mahimasmasan ako at ma realize na isang malaking pagkakamali ng mabuhay sa elusyon,

ambisyosa? oo marahil ganun na nga pero yun lang ang sa tingin kung magagawa ko sa ngayon ang mga munting pangarap ko na sanay mabuo pero wala na. pasensya na lasing ako habang ginagawa ko to ngayon niyaya ko ang isang kabigan na maki pag inuman at pina unlakan naman nya ako. ganito ang scenario kaninang umaga nag txt ang taong lihim kung minamahal sabi nya sa txt
" uy punta ka dito usap tayo" sabi ko naman
"baka di me makapunta kasi maglalaba ako"
reply nya sa txt
" ay ganun ba? istorbo ata me.... sige bye" syempre txt back ako na
"sige na nga ligo langa ko then punta na me dyan kumain kana ba? im sure!! di kapa nag lulunch? sige!!! magdadala ako ng food yung carinderia lang ha kasi walang budget"...

and then yun na nga bumili me ng 3 klase ng ulam at 4 na kanin dun narin ako mag lulunch and then nung nandun nako may mag tiklupin sya na mga damit, habang inihahanda nya ang pagkain nakatitig ako sa kanya ang cute nya talaga ang mag mata nyang almond shape, ang ilong nya na di naman katangusan, ang kilay nya na makapal ang labi nya na medyo makapal na masarap halikan at bagong gupit sya ngayon na mas lalong nagpa gwapo sa kanya...

and then sabay na kami kumain ang cute nya habang kumakain at ayun pagkatpos nag yosi sya marlboro lights niyaya me mag smoke tumanggi ako di talaga me nagyoyosi, and then nahiga sya sa kama katabi ko sya habang amoy amoy ko ang kilikili nyang sobrang bango may nag txt barkada nya ata then sabi nya sakin
" ok lang ba sayo pupunta mga tropa ko? 4 sila tatambay dito ngayon" sabi ko naman "dina uuwi na rin ako kasi may labahan ako" sabi nya kakahiya naman sayo nag dala ka ng food tapos aalis kana agad" sa loob loob ko "siguro reverse psyc nya ako" pero gusto ko na talaga umuwi kasi iba ang kutob ko.

and then bilang pampalubag loob pinatay nya ang ilaw at nahiga ulit niyakap nya ako at hinalikan ko sya kahit man lang dun makabawi ako pero habang nakahiga ako sa braso nya di sya magkanda ugaga sa pag txt, at ang masakit pa nito tama ang kutob ko ang sabi nya sa txt na nabasa ko sabi nya....

"tambay muna kayo sa kanto pare paalisin ko muna si taba"
taba? tinawag nya akung taba? well?... oo totoo yun ganun nga ako mataba pero ang ipakita nya sakin na sweet sya pero sa loob nya is hindi pala tama ba yun? hindi sa hoping ako na maging kami pero umaasa ako kasi sabi nya nun sakin

" dikita hahalikan ng ganun kung di kita gusto" sabi ko naman "baka naman pag laruan mo lang ako at saktan" marahil ito na nga yun ang katotohanan na hindi nya ako pwedeng mahalin kasi iba ang pagkatao ko at di ako ang tipo nya na makasama sa buhay... diskreminasyon na naman sa mga kagaya kung nag mamantika..... well maybe bukas sa makalawa mawala na rin to sana mapadali kasi hirap ang puso ko na maka recover..........

Tuesday, October 14, 2008

99 score + awa = 1,000 pesos

araw ng sabado oct.11 sa ganap na 10pm ng gabi sa bday ng anak ng aking kaibigan merong kiddie party sa umaga at sa gabi may inuman na naganap, pero dahil sa galing pako ng work medyo late nako nakarating kasi nga ngarag pako gawa ng ubo ko, dapat dina ako pupunta pero ok lang kasi ayaw ko na mag tampo ang friend ko, so kainan na and then yun na nga may videoke na nagaganap medyo hiya pako sa una pero dahil sa gifted tayo pag dating sa kantahan di ako nag pa huli,

ang sabi ng kuya ng friend ko kapag naka 99 na score sa videoke may 500 pesos na premyo!!!!! mas lalo akung ginanahan at binilisana ng pag nguya ko ng pagkain halos mabilaukan nako!!! kasi nga atat nako maka kanta, at mas lalo kung ginalingan ng todo ang pagkanta ko nag doble kara pako yung song ng aegis na sinta diba duet yun? ako pinag duet ko 2 boses ko at sa awa naman ng diyos wahh epek... putcha... kanta ako ulit ng mga fast song wahh epek parin halos mawalan nako ng boses sa kakakanta at paos nako gawa ng sipon at ubo ko,

deadma... basta ang nasa isip ko an 500pesos na premyo hayyy naawa ata sakin yung tita nung may bday kaya binigyan na langa ko ng 500 na bonus, para lang wag nako mag ngangangawa na parang baka, pero di parin ako sumoko kasi nga baka mag ka 99 parin ako na score... kumanta me ng kahit isang saglit ni martin nievera pero pang 8 pako bago ko sya makanta, nag yayaan ng umuwi yung iba pero di parin me sumuko sabi ko hanggat diko nakukuha yung 99 di me uuwi at yun na nga ako na!!!!! para sa song but this time lyrics ng batibot ang ginawa ko "wag nyo na itanung kung pano ko yun ginawa" gawain lang ng mga desperado yun heheheheheh....... at sa wakas!!!! 99 ang score ko yahoooo!!!! halos mag lupasay ako sa tuwa gawa ng nakuha ko na ang inaasam asam ko na score at tumama ako ng tumataginting na 1,000 na premyo!!!

may pambili nako ng bagong kutson sa kwarto ko kasi nag masakit na yung likod ko sa flywood kaya laking pasasalamat ko sa kuya ng friend ko dahil galit sya sa pera at suuper sponsor mabuhay ang mga kaibigan kung mayayaman hehehehehehe kaya naman nag taxi nako pauwi nag mayaman nako kasi nga san kapa.... may kainan na may inuman pa at higit sa lahat may talent fee kapa tnx talaga sa pamilya ng friend ko na to mabuhay kayo

Friday, October 3, 2008

UBO AT UHOG

sa mga fans ko dyan na nagbabasa ng aking mga sulat eto na ang 2nd letter ko

araw ng huwebes ayun nilagnat nako at inubo dina me naka bangon sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko amfufu.... at maya maya pa nag ka uhog nako sakit na ng ilong ko sa kaka singa ubos na yung basahang trapo sa kaka punas ko ng sipon ko, mukha tuloy tamod na natuyo yung sipon ko at mahirap to palambutin sa washing machine ibabad ko to para lumambot

nag basa na lang me ng aklat ni bob ong, itong si bob ong very popular siguro dahil sa mga kwento nyang pa ikot ikot pero iisa lang ang kahulugan ang malito at pasakitin ang ulo ng mga mambabasa nya. well ang sa akin lang maybe ito ang kanyang marketing strategies upang makalikom ng salapi para sa pagpapa opera ng mukha nya para mabigyan na natin sya ng itsura,
kung anu ba talaga ang itsura ni bob ong????

maraming lumalabas sa internet ngayon na ni reveal na ni bob ong ang true identity nya pero ito'y mga haka haka lamang it means maraming tumitira sa kanya,mahilig siguro sya sa lolipop? kasi isip bata sya, pero para sakin kung bibigyan ko man ng mukha si bob ong kamuka nya yung sa commercial ng chupa chups yung puppet dun na si "CHUCK" eto ang example.......

http://www.youtube.com/watch?v=jXQ9QfiLzlk

http://www.youtube.com/watch?v=1KQDvR6qwng

paki tignan na lang ayaw ma upload sa blog na to putsa!!!

kaya naman sa tingin ko ganito ang itsura ni bob ong seryosong comedian

and ang sabi dito life less serious.......

Wednesday, October 1, 2008

KWENTO KO SA OCT 1ST

pag gising ko at sa pag sisimula ng araw ko, shit!!!! bad trip umulan may bagyo na naman ,nagising ako na umiiyak na naman ang pamangkin kung bata na si nica 1 yr old bunsong anak ng pinsan ko, ang nakakaloka pa talagang nanadya pa ata super birit sa pag tili akala mo si regine v., well alangan namang sampalin ko at ilublob sa balde kaya naman hayy... deadma na lang.....

watch muna me ng mary and the secret garden i was grade 6 nung una ko tong mapanuod, tanda ko pa si mrs.medlock ang masungit na mayordoma ng mansyon na ipinangalan ko sa teacher ko nun nung nag aaral me sa elementary. same as her parang kulang sa iyot kaya masungit,
then kain muna me ng almusal sa tindahan ni manang na taga iloilo, na kung saan kapag free time na nya eh go na sya kay aling freda at dun nag babasa ng dyaryo as in super basa sya! na deadma lang sya kung anu ang mangyari sa paligid nya.

bicol express ang kinain ko with 2 tasang kanin + sabaw ng tahong= TAE oh my!!! nag IGIT ako! bawal me kumain ng tahong kasi mahina ang panunaw ko at nagtatae me (pasintabi po sa mga kumakain at nag yoyosi)
and then ewan ko kung praning lang ako or talagang nakasanayan ko na na kapag umoorder ako ng 2nd cup of rice eh... laging pagkatapos ko na maubos ang unang inorder ko eh dun ko lang kukunin yung 2nd cup of rice, pwede namang umorder nako and ilagay na lang sa platito diba? anu sa tingin mo?

si manang kasi matipid sa pag gamit ng platito isinasalin nya lang sa plato ko yung isang order na kanin and thats it kain kana ulit. and pag may ipapaluto kang isang pirasong itlog or tuyo ayaw nya sayang daw sa gas, sabi ko naman
"manang diba pareho lang naman yun, gagamit ka rin ng gas kapag mag luto ka ng marami? pero tamad lang talaga sya siguro.

after nun go nako sa work ko and nagulat me andun ang boss ko nag lilinis sila kasama ng mga ibang staff, then sa tingin ko naman ay wala me maitutulong, kasi nga masikip na ang space na pinaglilinisan nila at kaya na nila yun. nag basa na lang me ng manual sa pag gawa ng script ni ricky lee medyo sumakit ang ulo ko, kaloka kasi diko sukat akalain na ganun pala kahirap gumawa ng script hindi pala basta basta, kasi buhos ng panahon at isang kilong bonamin ata ang iinumin mo para dika mahilo sa kakagamit ng utak mo.

medyo inuubo na nga ako natuluyan na nga at may konting lagnat pa, nag laba kasi ako kahapon at naulanan ako pero enjoy kasi off ko yun sa work, and itong si marlene na saksakan ng tsismosa, pinag tsitsismisan namin yun tiyahin kung nag ka sakit sa bato kakain ata ng bagoong alamang, gawin mo ba namang desert ang bagoong san kapa!!!!!
UTI daw sabi ng duktor tinakbo sa ospital nung isang gabi kasama si lengleng na pinsan kung mahilig mag txt at mag plantsa ng buhok with matching thermos pa silang dala sa ospital, madaling araw na yun nung tumakbo sila, and sa awa naman ng diyos hindi na admit kasi nawala daw ang sakit ng may makakilalang taga probinsya at nag chikahan nalang sila ng bonggang bongga...... and ang yayang si lengleng ayun!!!! hiyang hiya na sa kadaldalan ng ina kaloka......

inuwi ko na sa bahay ang LOUIE VITON kung bag, kuwadropol A daw to sabi ng friend ko kasi may class A yan yung sa greenhills, dobol A ( yan yung sa 168 mall) and nagulat me ng malaman kung may tripol pa pala!!!! sabi ko "ano to battery? and yun na nga ang mataas sa lahat yung kuwadropol A, as in kapareho daw to ng nasa makati na branch ng LV BAG "wow as in dina me mahihiyang mag punta ng metro fashion show nito!!!! at sana naman walang humuli sakin sa pag gamit ko ng peks!!!

happy ramadan nga pala sa mga kapatid nating muslim, sana tigilan na ang putukan or baka naman balik putukan na naman? Hmmmmm malaman!!!! dapat mag palakas na muna sila kung makikipag hide and seek naman sila sa mga militar, kasi diba? kulang sila sa food kasi nga fasting may chika pa nga na tubig daw ang inuulam ng mga tao dun na naapektuhan ng giyera
tsk!tsk!tsk!






Monday, September 29, 2008

pang sawing tula

BITAW


ikaw ay biglang dumating sa aking nanahimik ng mundo walang pasabi kaya ako ngayo'y nalilito

dika na lang sana nagpakita pa ng sa gayo'y puso'y dina muling tumibok pa

ngunit anung gayuma meron ka at ako ngayon ay natataranta, na sa una'y anung saya ngunit akoy nagkamali pala

sa bawat salitang namumutawi sa iyung mga labi ito sa aki'y magandang musikang nais kong laging madinig

ngayon ako'y iyung alipin anuman ang iyung hilingin ito'y diko babaliin

hanggang sa ako'y natauhan sa pagkakalugmok sa kahibangan ako pala'y humaharap sa aking nakaraan
na ayaw ng balikan

bitiwan muna ako upang diko na malasap pa ang kabiguan