Monday, September 29, 2008

pang sawing tula

BITAW


ikaw ay biglang dumating sa aking nanahimik ng mundo walang pasabi kaya ako ngayo'y nalilito

dika na lang sana nagpakita pa ng sa gayo'y puso'y dina muling tumibok pa

ngunit anung gayuma meron ka at ako ngayon ay natataranta, na sa una'y anung saya ngunit akoy nagkamali pala

sa bawat salitang namumutawi sa iyung mga labi ito sa aki'y magandang musikang nais kong laging madinig

ngayon ako'y iyung alipin anuman ang iyung hilingin ito'y diko babaliin

hanggang sa ako'y natauhan sa pagkakalugmok sa kahibangan ako pala'y humaharap sa aking nakaraan
na ayaw ng balikan

bitiwan muna ako upang diko na malasap pa ang kabiguan

ang tula ng bitter

KAIBIGAN' MAHAL KITA'


Ang salitang gusto kung marinig sayo simula ng
ikaw ay makilala ko

bakit ikaw ay lumayo simula ng akoy magtapat ng pag ibig sayo,

sa tuwing ikaw ay lumalayo nadudurog yaring puso,

nawa'y sa akin ay magpakitang muli dahil diko na matagalan pa ang pag hihirap nitong aking damdamin

pangako sa iyo'y diko limot at kailan may di iiwan, sa gabi gabiy amoy mo ang aking nasasamyo

ni minsan diko na naiisip ang aking sarili dahil ikaw lamang ang laman nitong aking puso,

magpakita ka ng muli upang ating balikan ang ating masasayang sandali nung tayo'y unang magkita.

ang mga mata mung laging nangungusap na lagi kung nauunawaan kung anu ang laman

at ang kahulugang ito ay ang sabihin ng mga mata mo na 'kaibigan mahal kita'.. wag mokong iiwan....

sa saya at lungkot akoy dimo binitawan mag kaiba man tayo ng mundong ginagalawan
lagi kang nariyan para sakin kasa kasama ko bawat oras
pero bakit diko mapag tapat sayo ang nararamdaman ng aking puso?

marahil dahil sa iba ang aking gustong maging kahulugan nito para sayo

itoy pakatandaan mo laging akung nasa tabi mo

anuman ang manyari kaibigan, kapatid, kalaro, isa lang ang nais na ipabatid sayo

ang sabihin ng aking puso na mahal din kita.....

ni di kayang tumbasan nino man ng ang pagmamahal mo sakin walang mas makakahigit pa rito
sana lang ay iyo ring ipadama ang nararamdaman ng aking puso upang hindi maupos ang pag tingin sayo

pero nakikita ko sa mga ikinikilos mo na mahal mo rin ako
dimo man sabihin diko man marinig itoy damang dama ko

ang sabihin mung ‘’hanggang sa huling hininga at tibok ng aking puso ay
ikaw lang ang mamahalin ko’’